DELAYING TACTICS SA KASO NI TEVES?

ITINUTURING ng kampo ni Cong. Arnolfo “Arnie” Teves na delaying tactic ang pagpapaliban sa arraignment o pagbasa ng sakdal dito at sa labing lima pang (15) akusado sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Dumalo kahapon si Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51 gayundin ang mga abogado ng 15 pang co-accused ng dating mambabatas sa kasong murder kay Degamo.

Kinatawan naman ang biyuda ni Degamo ng abogado nitong si Andrei Bon Tagum.

Muling itinakda ni Presiding Judge Merianthe Pacita Zuraek ang arraignment sa Nov. 29, ayon kay Topacio, posibleng dahil sa mga pending petition for review na inihain sa Department of Justice nitong Sept. 21.

“The arraignment of all the accused was moved to November 29. In legal effect, granted ‘yung motion to defer, not only because of that motion, but because of certain pending incidents that will

need the resolution of the court before arraignment may proceed,” pahayag ng abogado ni Teves.

Matatandaan nag-isyu ang Manila RTC Branch 51 ng electronic arrest warrant laban kina Teves, Angelo Palagtiw, alias “Gee Ann” o “Jie-Ann” na kilala bilang “sister” ni Palagtiw, pati na rin si Capt. Lloyd Cruz Garcia II.

Nauna rito, inalis bilang miyembro ng House of Representatives si Teves matapos ideklarang terorista ng Anti-Terrorism Council (ACT).

Patuloy na itinatanggi ng kampo ni Teves ang pagkakasangkot nito sa pagpatay kay Gov. Degamo at iba pa.

(JOEL O. AMONGO)

646

Related posts

Leave a Comment