IGINIIT ng Titan Dragon Properties Corporation na sila ang tunay na nagmamay-ari ng pitong ektaryang lupain na matatagpuan sa New Manila, Quezon City at hindi ang umaangkin nito.
Nais ng Titan Dragon Properties Corporation na ipatupad ang Writ of Execution bunsod na rin ng kautusan ng Korte Suprema matapos nitong pagtibayin na ang nagmamay-ari ng naturang lupain ay ang nasabing korporasyon.
Ngunit ang implementasyon ng Writ of Execution ay patuloy umanong hinaharang ng abogado at manugang ni Marlina Veloso Galenzoga na si Atty. Levito Baligod.
Nabatid na noong Setyembre 1, 2023, ang sheriff ng Quezon City Regional Trial Court, Branch 92 at mga tauhan ng QCPD ay nagtungo sa naturang property upang ipatupad ang Writ of Execution.
Ngunit nagkaroon umano ng tensyon sa pagitan nina Baligod, sheriff at mga pulis nang hindi pinayagan ng kampo nina Galenzoga at Baligod ang pagpasok ng mga awtoridad.
Sinasabi ng kampo ni Galenzoga na sila ang nagmamay-ari ng naturang lupain. Nakasaad aniya sa desisyon ng Korte Suprema na walang basehan si Galenzoga na siya ang nagmamay-ari ng naturang lupain.
Ayon pa sa kampo ni Galenzoga, hindi pwedeng okupahan ng Titan Dragon Properties Corporation ang naturang lupain dahil may mga informal settlers doon.
Gayunman, sa certification na inisyu ng Barangay ay walang nakatirang informal settlers sa loob ng naturang property, kundi ang mga ito ay nasa labas ng lupain.
Bunga nito, humihingi ang Sheriff sa tanggapan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) PMaj. General Jose Melencio Nartatez ng police assistance upang ipatupad ang kautusan ng Korte Suprema.
429