MISMONG China ang nagtutulak sa Pilipinas na kumapit sa Estados Unidos, ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez.
Paliwanag ni Rodriguez, nangayaw na ang Pilipinas sa dahil sa patuloy na pambubulas ng naturang bansa sa mga Pinoy na mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).
Pahayag ni Rodriguez, hindi na sana umabot sa puntong muling umeksena ang Estados Unidos, kasabay ng pagtukoy sa naging usapan sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Joe Biden na nagbigay suporta sa Pilipinas sa isyu ng WPS.
“The aggressive, harassment and bullying activities of China in the West Philippine Sea are pushing our country to be closer to its long-time ally, the United States,” ayon sa mambabatas.
Para sa naturang kongresista, hindi kaibigan ng Pilipinas ang China tulad ng ipinapalabas ng nasabing bansa dahil bukod sa kanilang mga ilegal na aktibidad sa WPS, wala naman natupad sa mga pangako sa Pilipinas.
Partikular na tinukoy ni Rodriguez ang pangakong tulong sa ilalim ng nakalipas na administrasyon, sa kabila pa ng pagiging malapit ng noo’y Pangulong Rodrigo Duterte sa lider ng bansang China.
Sa halip, mas pinag-ibayo pa aniya ng China ang pambabarako sa Philippine Coast Guard at mga mangingisdang Pinoy na naglalayag sa karagatang pasok sa Philippine Exclusive Economic Zone.
“China is not a friend. It is a frenemy. It is an interloper in the West Philippine Sea.”
Bukod sa ‘ironclad commitment’ na ipagtatanggol ng Amerika ang Pilipinas, magbibigay din umano si Biden ng mga eroplano at patrol vessels.
“The US is our only defense treaty ally. They are bound to come to our defense under our 1951 Mutual Defense Treaty. US officials have repeatedly declared that their obligations under the treaty would kick in the moment a foreign power attacked us, including in the South China Sea. That is very reassuring,” dagdag pa nito. (BERNARD TAGUINOD)
