DPWH AT MMDA PINAGHAHANDA NA SA LA NIÑA

KINALAMPAG ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang matiyak ang kaligtasan ng bansa sa panahon ng La Niña.

Iginiit ni Revilla na papalapit na ang panahon ng tag-ulan at dapat anyang paghandaan ang posibleng epekto ng La Niña kung saan mas maraming ulan ang mararanasan.

Sinabi ni Revilla na dapat ngayon pa lang, pinapanatili nang malinis ang mga drainage at iba pang tributaries.

Dapat din anyang matiyak na 100 porsyentong operational ang pumping station.

Sa huling pagtaya ng PAGASA, nasa 55% na ang tsansa ng La Niña na madevelop simula sa Hunyo 2024.

Kaya, binigyang-diin ni Revilla na samantalahin ang dry season at hindi kung kailan may pag-ulan na ay saka pa magkukumahog ng pagkilos.

(DANG SAMSON-GARCIA)

62

Related posts

Leave a Comment