CAVITE – Nabahiran ng lungkot ang masayang outing ng mga manggagawa ng isang kumpanya, nang umano’y malunod ang isang 31-anyos na empleyado sa pool sa isang resort sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon.
Isinugod sa ospital ang biktimang si Jayboy Lagari y Halog, 31, subalit hindi umabot nang buhay.
Ayon sa ulat, nagkayayaang mag-outing ang mga manggagawa ng isang kumpanya sa Hardin ng Postema sa Barangay Sahud Ulan, Tanza, Cavite kung saan nag-inuman ang mga ito.
Sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay lumusong sa pool ng nasabing resort, ang biktima dakong alas-5:20 ng hapon ngunit napansing lumulutang na ito kaya agad iniahon at dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
(SIGFRED ADSUARA)
178