SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-graft and Corrupt Practices Act at Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical standards for Public officials and employees si dating Mayor Ramon Preza ng Tiaong, Quezon.
Tumanggi naman itong magbigay ng pahayag sa mga mamamahayag nang dumating sa tanggapan ng Ombudsman kahapon ng hapon para dumalo sa clarificatory hearing.
Ang isinagawang preliminary investigation ay bunsod ng mga kasong isinampa ni incumbent Vice Mayor Roderick Umali laban kay Preza.
Inakusahan ni Umali si Preza na diumano’y gumamit ng impluwensya at kapangyarihan noong nasa pwesto pa para mare-classify ang property na pag-aari nito, ang R.A.Preza Realty and Development Corporation.
Gayundin ang pagbibigay ng Business Permit sa Ramonica Foods Corporation kung saan major stockholder at chairman of the Board at President din siya.
Ayon pa kay Umali, malinaw na may naganap na pagkiling at isang kaso ng conflict of interest ang nangyari.
(DANNY BACOLOD)
177