Hirit nina Rep. Chua, Mayor Benitez & Trenyas SARA RESIGN NOW!

SAMA-SAMANG hiningi ng isang mambabatas mula sa Maynila at dalawang mayor sa Visayas ang pagbibitiw ni Vice Pres. Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Manila 3rd District Cong. Joel Chua, hindi maaari na hayaan lang ni VP Sara na batikusin nang batikusin ng kanyang pamilya si Pang. Bongbong Marcos, gayung miyembro siya ng gabinete nito.

“Kung disente siyang tao, magbitiw na lang siya sa gabinete dahil kontra naman ang pamilya niya sa administrasyon,” ani Cong. Chua.

Dagdag pa niya, “wala naman siyang nagagawa sa DepEd.”

“Ayaw din niyang magkomento hinggil sa pangha-harass sa ating Navy at Coast Guard sa West Philippine Sea. Mas matimbang ba ang China sa kanya?,” tanong ni Chua.

Para naman kay Bacolod City Mayor Albee Benitez, hindi magandang tingnan na ang isang miyembro ng gabinete ay naroon sa rallly ng mga bumabatikos sa administrasyong Marcos.

“Kung may natitira pang delikadeza sa kanyang katauhan, mas magandang bumitiw na siya sa puwesto para mapanatili ang integridad at pagkakaisa sa administrasyon,” ayon pa kay Mayor Benitez.

Hindi rin natuwa si Iloilo Mayor Jerry Trenyas sa inasal ni VP Duterte sa isang prayer rally ng mga kontra kay Pang. Marcos.

“Hindi tama na miyembro siya ng administrasyon pero tila sumasang-ayon siya sa mga banat sa pangulo sa mga rally,” ani Mayor Trenyas.

Asahan na raw na marami pang mambabatas at mga local chief executive ang maglalabas ng kanilang saloobin laban kay VP Sara.

43

Related posts

Leave a Comment