HOODLUMS IN UNIFORM SASAMPALIN NG MAS MABIGAT NA PARUSA

MAS mabigat na parusa ang isasampal sa tinaguriang ‘hoodlums in uniform’ na makikipagsabwatan sa mga kriminal para mapawalang sala ang mga ito sa nagawang karumal-dumal na krimen.

Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 7971 na nag-aamyenda sa Article 19 ng Penal Code na inakda nina Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte at Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan.

Ipaliwanag sa nasabing panukala na ang mga awtoridad ay naatasan na proteksyunan ang taumbayan subalit may mga tiwali sa mga ito na nakikipagsabwatan sa mga kriminal para mapawalang sala ang mga ito.

“Persons in authority are charged with the maintenance of public order and the protection and security of life and property. However, there are instances when the persons in authority themselves facilitated or ordered the destruction or concealment of vital evidence used in heinous crimes,” ayon sa nasabing panukala.

Dahil dito, kailangan anilang amyendahan ang nasabing batas upang patawan ng mas mabigat na parusa ang mga ‘hoodlum in uniform’ tulad ng reclusion temporal o pagkakabilanggo ng 12 hanggang 20 taon, mula sa 6 hanggang 12 taon.

Sinabi ng nabanggit na mga mambabatas, maraming kriminal na sangkot sa karumal-dumal na kaso ang naaabswelto dahil pinagtatakpan ang mga ito ng mga ‘hoodlum in uniform’ kaya kailangang pabigatin na umano ang parusa sa mga ito.

(BERNARD TAGUINOD)

37

Related posts

Leave a Comment