KARPINTERO PATAY SA SUV NG MALAYSIAN

BATANGAS – Patay ang isang karpintero nang ang minamaneho nitong tricycle ay araruhin at kaladkarin ng isang SUV na minamaneho ng isang Malaysian sa national road ng Barangay Balibago, sa bayan ng Calatagan, sa lalawigan noong Linggo ng gabi.

Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang biktimang si Artemio Ordoñez, 52-anyos, dahil sa grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Ayon sa report, dakong alas-10:30 ng gabi, nang salpukin ang tricycle ng biktima sa likuran ng kasunod na Toyota Fortuner na minamaneho ni Abdul Rashid Bin Hasnan, 24, isang Malaysian national at professional polo player, at naninirahan sa Sambungan, Calatagan, Batangas.

Dahil sa bilis ng takbo ng SUV, nakaladkad pa ng 100 metro ang tricycle na siyang ikinawasak ng buong sasakyan.

Tumakas ang Malaysian matapos ang insidente ngunit naaresto ng mga pulis sa follow-up operation sa polo field malapit sa tirahan nito.

(NILOU DEL CARMEN)

34

Related posts

Leave a Comment