LALAKI TODAS SA TANDEM SA MAYNILA

DEAD on the spot ang isang hindi pa kilalang lalaki makaraang tambangan ng riding in tandem suspects nitong Huwebes sa panulukan ng Yuseco at Makata Streets, Sta. Cruz, Manila.

Tinatayang nasa edad 30 hanggang 35-anyos ang biktima, may taas na 5’4″, at may tattoo sa dibdib.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Gary Reyes kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-12:20 ng madaling araw nang tambangan ng mga suspek ang biktima.

Nabatid sa report ng pulisya, kitang-kita sa CCTV footage nang harangin ng magka-angkas na mga suspek ang biktima sa nabanggit na lugar at pinagbabaril.

(RENE CRISOSTOMO)

95

Related posts

Leave a Comment