TADYAK at suntok ang madalas na inaabot ng isang 32-anyos na ginang sa kanyang kinakasamang umano’y lulong sa droga, at noong Sabado ng umaga muli na namang nakatikim ng bugbog ang biktima sa kanilang bahay sa Barangay 310, Sta. Cruz, Manila.
Bunsod nito, kulungan ang binagsakan ng suspek na kinilalang si Vergel Ramiro, 25-anyos na jobless, ng nasabing lugar.
Base sa ulat na isinumite ni Police Corporal Julie Fe Julio kay Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, station commander, bandang alas-10:30 ng umaga, sa tulong ng ilang barangay official, ay natimbog ang suspek dahil sa pambubugbog sa biktimang si Rocel.
Ayon sa report ng pulisya, ilang testigo ang nakakita kung paano gulpihin ng suspek ang ginang. Suntok sa ulo, sipa sa likurang bahagi ng katawan ang sinapit ng ginang.
(RENE CRISOSTOMO)
168