LIVE-IN PARTNERS PATAY SA TRUCK

BULACAN – Nagkalasog-lasog ang mga katawan ng mag-live-in partner matapos kaladkarin at araruhin ng rumaragasang container truck ang sinasakyan nilang tricycle sa Manila North Road, Barangay Wakas, sa bayan ng Bocaue sa lalawigan noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Laureano Mendoza, 50, at Jennifer Tarog, 51, rice miller, kapwa residente ng Bocaue, Bulacan.

Base sa panimulang imbestigasyon, nangyari ang insidente bandang alas-2:15 ng hapon.

Habang ang mga biktima ay sakay ng isang tricycle nang sila ay araruhin at kaladkarin ng container truck na Isuzu tractor head truck na may plakang RLX-142, na minamaneho ni Juanito Singson Jr., 38, ng Meycauayan, Bulacan.

Nabatid na nawalan umano ng kontrol ang nasabing truck nang mawalan ito ng preno dahilan upang sunod-sunod na suruin nito ang tricycle ng mga biktima at lima pang mga sasakyan.

(ELOISA SILVERIO)

36

Related posts

Leave a Comment