MAGTIYO NIRAPIDO NG EX-PARAK, TODAS

ILOCOS SUR – Patay ang magtiyuhin matapos ratratin ng armalite ng isang retiradong pulis sa Brgy. Concepcion, sa bayan ng Cervantes sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi.

Kinilala ng Cervantes Police ang mga biktimang sina Luthgard Lacaden, 51, at George Querzon, Jr., 38-anyos.

Ayon sa Cervantes Police, bigla na lamang pinagbabaril ng suspek na kinilalang si Roberto Urbano ang biktimang si Lacaden gamit ang isang M-16 baby armalite rifle.

Akma namang sasaklolo si Querzon subalit niratrat din ito ng dating pulis.

Agad isinugod ang dalawa sa ospital ng nagrespondeng mga pulis ngunit kapwa idineklarang dead on arrival.

Naaresto naman ng mga pulis ang suspek sa kanyang bahay sa isinagawang hot pursuit operation.

Ayon sa mga imbestigador, magkapitbahay ang suspek at mga biktima at matagal na umanong may alitan sa lupa na kinatatayuan ng negosyo ni Lacaden.

(NILOU DEL CARMEN)

160

Related posts

Leave a Comment