MAHIGIT P1-M DROGA NASABAT SA BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang bigtime tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang naaresto na si alyas “Armando”, nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng Dasmariñas City Police.

Ayon sa ulat ni Police Corporal Jerwin Anacan ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-9:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Dasmariñas City Police Station, sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Armando”.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 150 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,035,000 at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

(SIGFRED ADSUARA)

245

Related posts

Leave a Comment