May kamag-anak na napipisil ROMUALDEZ, HERBOSA ‘NILULUTO’ PAGPAPALIT NG IT NG DOH?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

UMUUGONG ngayon ang usap-usapan na plano umanong kontrolin ng mag-fraternity brother na sina Speaker Martin Romualdez at Health Sec. Ted Herbosa ang IT provider ng buong Department of Health (DoH), gayundin sa attached agencies nito.

Ito’y matapos lumabas ang pangalan ng isang kamag-anak ni Herbosa na chief executive officer (CEO) ngayon ng Philippine Payments and Clearing System (PhilPaCS) na isang IT provider sa bansa.

Ang tinutukoy ay si Edgardo Herbosa na kamag-anak umano ng DOH secretary.

Dahil dito, marami są mga taga-DOH ang nagtataasan ng kilay ngayon dahil kung talagang nais ng BBM administration na hindi na madagdagan pa ang kabi-kabilang isyu ng korapsyon dapat ay mapigilan ang planong ito na tiyak magbibigay ng pagdududa sa mata ng publiko dahil na rin sa usapin sa ‘conflict of interest.’

Ang PhilPaCS ay may kakayahang magbigay serbisyo patungkol sa electronic payment portal at iba pang online payment na may kinalaman sa aspeto ng permits, lisensya at pananalapi.

May mga IT experts ang nagsasabing sakaling matuloy ang pagkuha sa serbisyo ng PhilPaCS, hindi malayong maging batbat ito ng korapsiyon lalo’t para umabot są P199.45 billion ang badyet nito ngayong 2023.

Ang isyung ito ay inaasahang itatanong din ng mga senador at kongresista są pagsalang ni Herbosa sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ngayong Martes, Disyembre 5.

Nauna nang na-bypassed ng CA si Herbosa noong nagdaang Setyembre dahil sa kawalan ng oras at iba’t ibang isyu ng anomalya sa ahensya.

Ang Alliance of Health Workers (AHW) ay naglabas din ng pahayag hinggil sa maigting nilang pagtutol sa appointment ni Herbosa dahil ang opisyal ay wala umanong katangiang maganda para mamuno bilang DOH secretary.

Inakusahan nila si Herbosa bilang ‘notorious red-tagger,’ at tagapagsulong sa DOH ng mga anti-health worker at ‘anti-poor policies.’ Isa na rito ang planong pagsasapribado sa National Orthopedic Hospital at Fabella Memorial Hospital na tiyak pabigat sa mga pasyente at pamilya ng mga naturang pagamutan.

Pinatawan din ng Office of the Ombudsman ng ‘perpetual disqualification from holding public office’ si Herbosa kaugnay naman sa P392 million hospital modernization project.

Kung ‘unpopular’ ang tingin ng taga-DOH kay Herbosa, masyado namang popular ito kay Speaker Martin na mahigpit na kalaban ngayon ni Vice-President Sara Duterte.

Si Romualdez umano ang ‘padrino’ ni Herbosa dahil magka-brod ang mga ito sa Upsilon Sigma Phi fraternity.

Kalat na sa social media ngayon ang planong pagkuha sa PhilPaCS bilang bagong IT provider ng DOH at attached agencies nito na dapat bigyang-linaw sa publiko nina Herbosa at Romualdez.

172

Related posts

Leave a Comment