MEDICAL MARIJUANA SUPORTADO NI HERBOSA

SINUPORTAHAN ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang legalisasyon ng medical use ng cannabidiol (CBD) o medical marijuana, na isinusulong ng mga mambabatas, kabilang ang dating Pangulo na si House Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Ito ang isiniwalat ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte habang naghahanda ang Kongreso sa pangunguna ng House Committee on Dangerous Drugs at Committee on Health, sa pag-apruba sa substitute bills sa 9 panukalang batas sa Kongreso para gawing legal ang paggamit ng CBD sa bansa.

“We are in favor of the legalization of medical use of marijuana and its products, your honor,” sagot nito nang tanungin ng mga miyembro ng Commission on Appointments (CA) kung ano ang kanyang posisyon sa nasabing panukala.

Ayon kay Villafuerte, panahon na parang gawing legal ang paggamit ng medical marijuana sa bansa dahil mas mura at mabisang gamot ito sa cancer, epileptic seizures, pain management sa sclerosis at arthritis, HIV-AIDS symptoms, anxiety management, alzheimer, muscles spasms and tremors at iba pa.

Ipinaliwanag ng mambabatas na walang namamatay sa overdose sa medical marijuana at wala ring datos na tumataas ang bilang ng krimen sa paggamit ng medical marijuana kaya dapat na itong payagan sa Pilipinas.

“Over 60 countries all over the world have already legalized medical cannabis. And I don’t know why the Philippines is delaying this. What do the 60 countries know that we don’t? The only news that I have read from these 60 countries is that (medical cannabis) is very beneficial, and, secondly, their revenues have increased (from its medical use),” ayon pa sa mambabatas.

Sa ngayon, pinapayagan na aniya ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng medical cannabis sa pamamagitan ng compassionate permit subalit nahihirapan umano ang mga pasyente dahil kailangang mag-request muna ang kanilang doctor bago umangkat sa ibang bansa ng nasabing gamot.

Dahil dito, kailangang na aniyang payagan ang medical marijuana para dito na iproseso ang gamot kung saan bukod sa makakamura ang mga pasyente ay makapaglilikha ito ng trabaho sa mga Filipino at mag-aakyat ng limpak-limpak na salapi sa kaban ng bayan.

(BERNARD TAGUINOD)

164

Related posts

Leave a Comment