MILYONG HALAGA NG PUSLIT NA SIGARILYO NADISKUBRE SA SUMALPOK NA TRUCK

NADISKUBRE ang tangkang pagpuslit ng kahon-kahong mga sigarilyo sa Davao City nang masangkot sa aksidente ang truck na pinagkargahan ng multi-milyong halaga ng smuggled cigarettes sa Brgy. Panacan, Davao City.

Kasalukuyang pinaghahanap ng Davao City PNP ang driver ng nasabing 10 wheeler truck na may kargang puslit na mga sigarilyo matapos maaksidente at bumangga sa center island na ikinasira pa ng traffic lights bandang alas-9:30 ng gabi noong Miyerkoles.

Ayon kay Police Captain Hazel Tuazon, spokesperson ng DCPO, kasalukuyan nilang tinutunton ang may-ari ng dump truck na may kargang 30 kahon ng smuggled na sigarilyo, gayundin ang driver nito na iniulat na tumilapon dahil sa lakas ng impact ng pagsalpok ng nasabing sasakyan.

Bukod sa kargang smuggled cigarettes, mahaharap din ang driver at may-ari ng truck sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property at paglabag sa Republic Act 4712 o An Act Amending Certain Sections of Tariff and Customs Code of the Philippines.

Hawak na ng Bureau of Customs (BOC) ang nasabing mga kontrabando matapos na i-turn-over sa kanila ng Sasa Police Station.

(JESSE KABEL RUIZ)

364

Related posts

Leave a Comment