HABANG papalapit ang Pasko, pumapalag ang mga commuter sa biglaan umanong pagtaas ng pamasahe ng Grab at Move It kahit hindi rush o peak hours.
“Dati, wala pang isandaan ang binabayaran ko sa Move It mula sa work hanggang office. Pero ngayon, naging P140 kahit maaga ako umaalis sa bahay,” wika ng isang netizen.
“Bukod sa mahirap na mag-book sa Grab, sobrang taas na rin ng pamasahe nila. Kahit hindi peak hours, mahal pa rin ang kanilang singil,” dagdag naman ng isa pa.
Bukod sa nagmahal na pamasahe, napansin din ng mga netizen na mahirap nang mag-book ng Grab at Move It, at madalas na rin ang cancellation ng booking.
“Move It grabe yung cancelations lately. 2 minutes makakakuha ka na ng driver pero 20 secs lang kung i-cancel. Tas ang dami rin reasons si rider para kami ang mag-cancel like na-flatan, malayo ang pickup point, etc. Dapat may sanctions sa mga ganitong riders eh,” komento ng isang netizen sa Facebook post ng Move It.
“Riders nyo kung ano ano nagiging problema pag nakacashless hahaha. Kesyo nasiraan, emergency at naauto accept. In 15mins, naka 10 cancellations na ata sakin. sana pala inalis na lang ang cashless payment sa app nyo para di nakakahiya sa mga riders nyo,” dagdag ng isa pa.
Nireklamo rin ng isang commuter ang isang Move It rider na minarkahan ang biyahe bilang picked up at arrived at the location kahit di pa siya nasusundo sa pickup location.
“Kinuha nya lng yung bayad sa Gcash ko since naka cashless payments ako! Pakitanggal yung ganitong rider dahil masisira lang ang service nyo,” wika ng commuter.
Samantala, nagtataka ang mga commuter kung bakit walang ginagawang aksyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa sunod-sunod na aksidente at mga insidenteng kinasangkutan ng Move It riders.
Kumalat sa social media ang ilan sa mga aksidenteng ito na nangyari sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ngunit hanggang ngayon tahimik ang LTFRB, na pinamumunuan ni chairperson Teofilo Guadiz, ukol dito.
“Bakit tahimik at hindi kumikilos si Guadiz at ang LTFRB ukol sa mga aksidenteng ito?” wika ng isang netizen. Kabilang sa mga aksidente ang pagkamatay ng isang pasahero sa Cebu City nang bumangga ang motor ng Move It rider sa center island. Nasawi rin ang rider sa insidente.
81