MWP SA 19 COUNTS NG RAPE, ARESTADO SA MINDORO

DUMAYO pa sa Sablayan, Occidental Mindoro ang mga operatiba ng Cavite Police upang isilbi ang warrant of arrest sa isang akusado na itinuturing na most wanted person (MWP) regional level, at may 19 counts ng rape, noong Sabado ng umaga.

Hawak na ng Mendez Police ang naarestong suspek na si alyas “Larry”, nasa hustong edad, ng Brgy. Yapang, Sablayan, Occidental Mindoro.

Ang pagkaaresto sa suspek ay bunsod ng natanggap na impormasyon ng Mendez Municipal Police Station na ang suspek ay nagtatago sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Dahil dito, bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Honorable Lerio C. Castigador, ng Regional Trial Court , Fourth Judicial Region, Branch 15, Naic, Cavite, nagtungo ang Mendez MPS dakong alas-9:35 ng umaga sa Sablayan, Occidental Mindoro at nakipag-ugnayan sa Sablayan Municipal Police Station at isinilbi sa suspek sa Brgy. Yapang, Sablayan, Occidental Mindoro, sa kasong 13 counts ng rape sa ilalim ng Art 266-A, parag 2, at 6 counts ng rape na may kanya-kanyang criminal case number.

Wala namang inirekomendang piyansa sa akusado na pinaniniwalaang hindi na makalalabas pa sa bilangguan.

(SIGFRED ADSUARA)

68

Related posts

Leave a Comment