NAGPAKALAT NG PDEA OPNS REPORT PINAKAKASUHAN

UMAPELA kahapon si Office of Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasuhan ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng aniya’y pekeng dokumento na nag-uugnay kay Pang. Bongbong Marcos sa ilegal na droga.

Sa kanyang liham sa PDEA, iginiit ni Gadon na sinisira ng pekeng dokumento ang reputasyon ng Pangulo at nagkakalat din ito ng mga maling impormasyon.

Sa press conference kahapon sa Quezon City, sinabi ni Gadon na bagama’t itinanggi na ng PDEA ang dokumento, hindi ito sapat para matigil ang mga paninira.

Una nang sinabi ng PDEA na peke ang dokumento na nagsasabing subject ng isang operasyon ng PDEA si PBBM noong 2012.

Ayon sa kalatas ng PDEA-PIO, nagsagawa ito ng pagsusuri sa pamamagitan ng Plans and Operations Reports Management Information System o PORMIS at napatunayan na walang ganoong operasyon ang naka-log sa nasabing petsa.

Tiniyak naman ni Gadon na tutulungan niya ang PDEA para makasuhan ang mga taong nagpapakalat ng maling impormasyon.

(PAOLO SANTOS)

39

Related posts

Leave a Comment