NTF-ELCAC napahiya sa sariling presscon DINUKOT KAMI NG MILITAR – 2 AKTIBISTA

NAGULANTANG ang mga awtoridad nang biglang bumaligtad ang dalawang environmental activist na sinasabing sumuko, nang bigla nilang inihayag na sila ay dinukot ng militar at napuwersang pumirma ng affidavits.

Mismong mga tauhan ng pamahalaan ang nagharap kina environmental activists Jonila Castro at Jhed Tamano sa press conference na inorganisa mismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Plaridel, Bulacan nitong Setyembre.

Sina Jonila Castro at Jhed Tamano ay iniharap sa press conference na ipinatawag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict para sana magbigay linaw na hindi sila dinukot at sa halip ay patunayang sumuko sila para makakalas sa makakaliwang hanay.

Subalit kabaligtaran ang nangyari dahil ang naging pahayag ni Castro ay: “Ang totoo po ay dinukot kami ng mga militar sakay ng van. Napilitan din kami na sumurender dahil pinagbantaan ‘yung buhay namin. ‘Yun po ang totoo,” ani Castro ng AKAP Ka Manila Bay, isang grupo na tumututol at nagpapatigil sa mga reclamation project sa Manila Bay.

Samantala, inihayag naman ni Tamano, coordinator ng Ecumenical Bishops Forum, na naglalakad sila ni Castro nang bigla silang hablutin.

“May tumigil pong SUV sa harap namin tapos dinukot po kami. Pinilit kami pasamahin sa kanila. ‘Yun din po ‘yung totoo. Akala po namin sindikato pero kilala po nila kami.”

Nitong nakalipas na linggo ay idineklara ng NTF-ELCAC at ng PNP sa ginawang pulong balitaan sa National Press Club, na sina Castro at Tamano ay kusang sumuko sa Philippine Army’s 70th Infantry Battalion sa Bulacan.

Pumirma rin umano ang dalawa sa kanilang kustodiya dahil nagpasya na silang kumalas sa communist movement, na pinagdudahan at pinasinungalingan ng mga militanteng grupo.

“Hindi rin namin ginusto na mapunta kami sa kustodiya ng mga militar. Hindi rin totoo ‘yung laman ng affidavit dahil ginawa ‘yun, pinirmahan ‘yun sa loob ng kampo ng militar. Wala na kaming magagawa sa mga pagkakataon na ‘yun,” ani Castro

Tasahang namang itinanggi ni Lt. Col. Ronnel Dela Cruz, commander ng 70th IB, ang nasabing akusasyon.

“Ang pinanghahawakan po namin ngayon kasi pumirma po sila ng kustodiya,” ani Dela Cruz.

Ito rin umano ang paninindigan ng NTF-ELCAC.

(JESSE KABEL RUIZ)

288

Related posts

Leave a Comment