CAVITE – Nagbigti ang isang isang construction worker sa loob ng kanilang barracks sa isang construction site sa Bacoor City noong Huwebes ng umaga.
Isinugod sa Southern Tagalog Hospital ang biktimang si Saturnino Ribon, nasa hustong edad, construction worker ng Loriaga Construction Inc. sa ilalim ng Mega Structure Construction Inc. (MGS Inc.) at stay-in sa barracks ng itinatayong Brittany Hotel sa Ferrari, Daang Hari Road, Brgy. Molino 4, Bacoor City subalit idineklarang dead on arrival.
Ayon sa ulat, nagsasagawa ang inspeksyon sa lugar si Eugene Macalong y Penaflor, 35, safety officer ng MGS, nang makita nito ang biktima na nakabitin sa kisame sa loob ng barracks ng Brittany Hotel, gamit ang isang steel wire, dakong alas-8:15 ng umaga.
Wala namang nakakaalam sa mga kasamahan sa trabaho kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.
(SIGFRED ADSUARA)
