OBRERO PATAY SA ONSEHAN SA DROGA

CAVITE – Hinihinalang onsehan sa droga ang motibo sa pagpatay sa isang construction worker na binaril noong Linggo ng hapon sa Dasmariñas City.

Kinilala ang biktimang isang 27-anyos na lalaking residente ng Brgy. Emmanuel Bergado 1, Dasmariñas City, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang pamamaril.

Una rito, tinawagan umano ng suspek ang biktima para magkita sila Blk. 17 Extension, Brgy. Emmanuel Bergado 1, dakong alas-4:20 ng hapon.

Nag-usap umano ang dalawa ngunit makaraan ang ilang minuto ay pinaputukan ng suspek ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa posibleng motibo ng suspek sa krimen.

(SIGFRED ADSUARA)

46

Related posts

Leave a Comment