P.5-M DROGA NASABAT SA LUCENA BUY-BUST

LUCENA CITY – Timbog ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng kalahating milyong halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa lungsod.

Ayon sa Lucena City Police, kinilala ang mga arestado na sina alyas “Jeff”, 41, at “Nelson”, mekaniko, nadakip ng mga tauhan ng Lucena PNP, PDEA-4A Quezon at iba pang drug enforcement unit sa operasyon sa Brgy. Bocohan, Lucena City dakong alas-1:35 ng madaling araw nitong Miyerkoles.

Nakumpiska sa mga ito ang 22.5 gramo ng illegal drugs na tinatayang P523,464 ang street value.

Nakakulong na ang dalawa sa Lucena City Police Station custodial facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 and 11 ng Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(NILOU DEL CARMEN)

59

Related posts

Leave a Comment