Paghahanda sa umiinit na sitwasyon sa WPS MODERNIZATION NG AFP TINUTUTUKAN NG DND

TINUTUTUKAN ng Department of National Finance ang modernization program ng Armed Forces of the Philippines, patunay rito ang pagbisita ng ilang senior officials ng DND sa dalawang pangunahing South Korean defense equipment manufacturer.

Ayon kay DND spokesperson, Director Arsenio Andolong, isang delegasyon mula sa kanilang kagawaran ang nagtungo sa South Korea para silipin ang dalawang malaking armed industry sa Korea.

Ito ay sa gitna ng lumalakas na panawagan mula sa iba’t ibang sektor na pabilisin ang isinasagawang Armed Forces of the Philippines Modernization Program (AFPMP) dahil sa umiinit na sitwasyon sa West Philippine Sea.

Sinabi ng DND, ang delegasyon, na pinamumunuan ni Senior Undersecretary Irineo Espino, ay naglibot sa Hanwha Ocean at HD Hyundai Heavy Industries (HHI) sa sideline ng kanilang paglahok sa 12th Seoul Defense Dialogue (SDD) at Seoul International Aerospace at Defense Exhibit (ADEX).

Ang Hanwha Ocean ay nag-aalok ng kanilang Jangbogo IIPN submarine para sa iminungkahing submarine project ng modernization program.

Binigyan ng paliwanag ang grupo ni Espino hinggil sa iminungkahing kakayahan ng kanilang submarine at inilibot din sila sa mga pasilidad sa paggawa at pagmamantina ng barko sa Hanwha Ocean sa Jeju City, South Korea.

Sinabi rin ng DND na binisita ng delegasyon ang mga pasilidad ng nasabing industriya sa Ulsan at binigyang-diin ang progreso ng pagtatayo ng dalawang missile corvette na kung saan ang una ay inaasahang maihahatid sa Pilipinas sa 2025 at ang pangalawa ay sa taong 2026.

(JESSE KABEL RUIZ)

184

Related posts

Leave a Comment