Pulong sa imbestigasyon ng Kamara KAALYADO SA DRUG LIST IMBESTIGAHAN DIN

(BERNARD TAGUINOD)

TILA hamon sa mga kapwa mambabatas ang pinakawalan kahapon ni Davao City Rep. Paolo Duterte nang sabihing dapat imbestigahan din ng mga ito ang mga kaalyado na sangkot sa droga.
“If Congress is truly serious about addressing the proliferation of illegal drugs, they must begin by investigating those listed in the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) watchlist during the Duterte administration.”

Bahagi ito ng statement ni Duterte kaugnay sa rekomendasyon ng Quad Committee na kasuhan ng crimes against humanity ang kanyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte, Sens. Bong Go at Ronald “Bato” dela Rosa at iba pa dahil sa 30,000 Pilipino na biktima umano ng extra-judicial killings (EJK).

Hindi nagbanggit ng pangalan ang mambabatas kung sino sa mga kongresista ang nasa drug list ng PDEA noong panahon ng kanyang ama subalit sa pagsasaliksik, napasama ang pangalan ni Zambales Rep. Jefferson Fernandez Khonghun na noo’y mayor ng Subic.

Kasama rin sa PDEA drugs list noong 2019 ang ama ng mambabatas na si Jeffrey D. Khonghun na dating congressman at ngayo’y Mayor ng Castillejos, Zambales subalit kapwa nila itinanggi ang akusasyon noon.

“I call on the House Quadruple Committee to pursue genuine and unbiased investigations. The nation deserves nothing less than the truth and a sincere commitment to the fight against illegal drugs,” ayon pa kay Rep. Duterte.

Hindi kasama ang batang Duterte sa pinakakasuhan ng Quad Comm subalit inirerekomenda na ituloy ang imbestigasyon sa mga indibidwal na isinasangkot sa illegal drug trade sa bansa na kinabibilangan ng mambabatas.

“I welcome any investigation to be conducted by an impartial and credible body, as I have nothing to hide. I remain committed to clearing our name and confident that the truth will expose the baseless nature of these accusations,” ayon sa mambabatas.

Gayunpaman, ang imbestigasyon ay dapat aniyang ibase sa credible evidence at hindi sa testimonya ng convicted na tao tulad ni Jimmy Guban na kakasuhan niya ng perjury dahil sa pagdadawit sa kanya sa illegal drug trade.

“These testimonies, obtained under the guise of a witness protection program in exchange for furloughs, lack credibility and only undermine the integrity of any legitimate inquiry,” ayon pa sa mambabatas.

2

Related posts

Leave a Comment