QC JAIL INMATE SINILBIHAN NG WARRANT SA CARNAPPING

SINILBIHAN ng mga awtoridad noong Martes ng hapon ng warrant of arrest ang isang 21-anyos na binatang nakakulong sa Quezon City Jail, dahil sa nakabinbin nitong kasong carnapping.

Kinilala ang suspek na si “Bryan Patrick”, jobless, ng Barangay San Isidro, Montalban, Rizal, nakatala bilang most wanted person, station level.

Batay sa isinumiteng ulat ni Police Major Billy Ray Canagan, hepe ng Warrant and Subpoena Section, kay Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3, alas-4:10 ng hapon nang isilbi sa suspek sa Quezon City Jail ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Juris Dilinila-Callanta, ng Regional Trial Court Branch 85, ng Lungsod ng Quezon, dahil sa kasong paglabag sa New Anti- Carnapping Act of 2016.

Gayunman, inirekomenda ng korte na maaaring maglagak ng P300,000 pyansa ang suspek para sa pansamantala niyang kalayaan.

(RENE CRISOSTOMO)

36

Related posts

Leave a Comment