Sa panawagang withdrawal of support MARCOS JR., ‘DI KAKALASAN NG AFP

ITO ang mariing tugon kahapon ni Armed Forces Chief of Staff General Romeo Brawner kasunod ng pagpapakalat ng panawagan ni Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez noong Linggo na talikuran ng Sandatahang Lakas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang tumahimik at mapatatag ang kalagayan ng Pilipinas.

Ayon ay General Brawner, hindi ito ang unang pagkakataon na may nanawagan ng withdrawal of support ng AFP kay Pangulong Marcos

“But our answer is always the same that the AFP remains to be a professional organization, very clear po ‘yung mandate natin, we will protect the constitution and we will follow the duly constituted authorities.”

“In other words, we will follow the chain of command and the president is our commander in chief. Whoever the president is its very clear that we will follow the chain of command, susundan namin ang mga utos ng ating commander in chief who is also our president and klarong klaro ‘yun sa lahat ng mga sundalo,” ayon sa heneral.

Ayon kay Col. Francel Margareth Padilla, AFP spokesperson, “Umasa po ang ating mga kababayan na mananatili ang hukbong sandatahan na nakatuon sa pangangalaga sa soberanya at territorial integrity ng bansa anoman ang political affiliations or individuals na siyang nasa kapangyarihan”.

“Our duty is to protect the Filipino people and uphold the rule of law, ensuring that peace and development will prevail throughout the nation. We will continue to fulfill these responsibilities with integrity, impartiality and utmost dedication,”pahayag pa ni Col. Padilla

Magugunitang isinusulong ng grupo ni Cong. Alvarez sa mga taga Mindanao na humiwalay sa Republika ng Pilipinas, isang panukalang malawakang ibinasura ng government officials.

“Pag nag-withdraw po kayo ng suporta sa kanya, wala na siyang magagawa kundi bababa sa pwesto niya,”ani Alvarez, na naging House speaker noong Duterte administration.

Sa isang political rally sa Tagum City, sinabi ni Alvarez na pinaalalahanan nito ang AFP sa kanilang Constitutional duty na protektahan ang sambayanang Pilipino at ang estado kaugnay sa tumataas na tensions sa pagitan ng China at Pilipinas bunsod ng sigalot sa West Philippine Sea.

Ayon kay Alvarez, ang mga polisiya ni Marcos sa West Philippines Sea ay naglalagay sa Pilipinas sa peligro ng digmaan at isang batayan para talikuran ang pangulo ng militar.

(JESSE KABEL RUIZ)

52

Related posts

Leave a Comment