NAGPALABAS ng kabuuang P33 milyong halaga ng tulong pinansyal at in-kind si Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ang Tingog party-list para tulungan ang mga residente ng Albay na naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Ayon kina Romualdez at Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre, may tig-P1 milyon na inilaan sa tatlong unang distrito ng Albay na malapit sa bulkan.
Ito ang Unang distrito na kinakatawan ni Rep. Edcel Lagman; ang Ikalawang Distrito na kinakatawan ni Rep. Joey Salceda; at sa ikatlong distrito sa ilalim ni Rep. Fernando Cabredo. Ang tulong ng Office of the Speaker ay idadaan sa tanggapan ng mga nabanggit na mambabatas.
“The members of the House are one with the people of Albay during this challenging time. Mayon Volcano’s eruption is something that we cannot stop, but so is showing malasakit to our countrymen when difficulties arise. Together, we will ride out this calamity,” ani Speaker Romualdez, kinatawan ng unang distrito ng Leyte.
Ang P1 milyong assistance ay binubuo ng P500,000 cash assistance, at P500,000 halaga ng relief packs na mula sa personal na disaster response fund ni Speaker Romualdez.
Bago magbukang-liwayway ay dumagsa na ang daan-daang volunteer sa PureGold-Embarkadero sa Legazpi, Albay upang mag-repack ng iba’t ibang produkto na ipamimigay sa mga apektadong pamilya. May 1,420 relief pack para sa bawat distrito ang nauna nang naihanda.
Bukod dito, nakipag-ugnayan na ang tanggapan ni Speaker sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinamumunuan ni Sec. Rex Gatchalian upang maihanda ang P10 milyong halaga ng cash assistance sa bawat distrito sa ilalim ng Assistance to individuals in crisis situations (AICS) program.
“We expect this assistance from the DSWD, along with our humble contribution, to ease the worries that our kababayans in Albay may have for the immediate future. Nakahanda po kaming tumugon sa mga pangangailangan ninyo, kahit na magtagal ang kalamidad na ito,” sabi ni Speaker Romualdez.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang tig-P500,000 cash assistance ay ibibigay sa bawat distrito ngayong Lunes, Independence Day at isusunod ang mga relief pack.
140