NIYANIG nitong Lunes ng umaga ng magnitude 5.0 na lindol ang karagatan ng Surigao del Sur, ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Natunton ang epicenter ng lindol na naganap dakong alas-5:16 nitong Lunes ng umaga, sa 08.13°N, 126.68°E – 031 km N 71° E ng munisipalidad ng Lingig.
Ayon sa PHIVOLCS, 10 km ang lalim ng tectonic earthquake na nagrehistro ng Intensity V sa Hinatuan, Surigao del Sur, habang naranasan naman ang Intensity IV sa City of Bislig sa nasabing lalawigan.
Ayon sa PHIVOLCS, inaasahan ang pinsala subalit walang nakaambang aftershocks.
Una rito, tumama ang magnitude 4.8 na lindol sa Mamburao, Occidental Mindoro, noong gabi ng Easter Sunday.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 25km timog-kanluran ng Mamburao sa lalim na 21km kaya’t naramdaman ng mga taga Puerto Galera ang Intensity IV earthquake.
Ang sumusunod na mga lugar ay nakaranas din ng mga instrumental intensity: Intensity IV – Mamburao, Western Mindoro; Lungsod ng Calapan, Silangang Mindoro.
Intensity III – Port Galera, Oriental Mindoro; Abra De Ilog, Kanlurang Mindoro.
Samantala, wala namang inaasahang pinsala o aftershocks matapos tumama ang naturang lindol sa lugar dakong alas-7:04 ng gabi, ayon sa datos ng Phivolcs.
Bandang alas-4 ng hapon, naitala ng Phivolcs ang 4.7 jolt sa layong 31km timog-kanluran ng Mamburao, Occidental Mindoro na may lalim na 24km at tectonic din ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity IV sa Mamburao sa Western Mindoro at Puerto Galera sa Eastern Mindoro, habang Intensity III naman sa Santa Cruz at Sablayan, Western Mindoro; Lungsod ng Calapan, San Teodoro at Baco sa Silangang Mindoro.
Nakapagtala rin sa Abra De Ilog at Paluan sa Kanlurang Mindoro; at Naujan sa Oriental Mindoro ng Intensity II mula sa nasabing lindol.
Habang naramdaman ang Intensity I sa mga bayan ng Gloria, Pinamalayan, at Socorro sa Oriental Mindoro; at Tumingin sa Kanlurang Mindoro.
(JESSE KABEL RUIZ)
181