VP SARA, DIGONG READY SA ICC

(CHRISTIAN DALE)

NAGHAHANDA ang mag-amang Vice President Sara Duterte at dating pangulong Rodrigo ‘Digong” Duterte para harapin ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa madugong ‘war on drugs’ sa ilalim ng nagdaang administrasyon.

Sinabi ni VP Sara na bagaman hindi siya pormal na bahagi ng ICC investigation, naghahanda pa rin siya para rito.

“Sa akin, wala pa naman eh. Sabi ng mga tinatanong namin wala naman ako doon sa complaint. Wala pa ako doon sa investigation. Wala pa lahat pero naghahanda,” ang sinabi ni VP Sara.

Inamin ni VP Sara na kailangan ng kanyang ama na maging ‘well-prepared’ para sa imbestigasyon ng ICC dahil siya ang iimbestigahan at isasalang sa ‘hot seat’.

“Siya siguro ang dapat maghanda kasi siya ang unang dadalhin dun eh,” ang sinabi ni VP Sara, tinukoy ang ICC sa The Hague sa Netherlands.

Kasalukuyang tinitingnan ng ICC ang libo-libong Pilipino, karamihan ay mahihirap na nasawi sa panahon ng dating administrasyon dahil sa war on drugs campaign.

Nahalungkat sa imbestigasyon ng House Quad committee na nagkaroon ng rewards system sa panahon ng kampanya, kung saan ang hitmen ay nakatatanggap diumano ng monetary rewards para sa pagpatay sa pinaghihinalaang drug pushers.

Matatandaang, sinabi ni dating pangulong Duterte, sa unang pagkakataon nang dumalo siya sa 11th quad comm hearing na handa siyang sumuko sa ICC at para naman sa Malakanyang, hindi nito pipigilan ang gustong mangyari ng dating pangulo.

93

Related posts

Leave a Comment