BANGKAY NG BABAE SA PLASTIC BOX SA CAMARINES NORTE, SUSPEK TUKOY NA

NAKILALA na ang bangkay ng babae na natagpuan sa loob ng plastic storage box sa ilalim ng Pinagwarasan Bridge, Purok 1, Barangay Pinagwarasan, Basud, Camarines Norte noong Enero 2.

Ayon sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office na nakarating sa Kampo Crame, kinilala ang biktima na si Anelis Agocoy, 38 anyos, ng Barangay Bura, Catarman, Camiguin. Ang pagkakakilanlan ay nakumpirma ng kanyang pinsan.

Tukoy na rin ng pulisya ang suspek, na kinilala ng isa sa mga saksi, ayon kay Basud Municipal Police Station Acting Chief of Police.

Sinabi ng opisyal na isang kaibigan ng biktima ang tumawag sa pulisya matapos mapanood sa social media ang insidente.

Sa kasalukuyan, isinasagawa na ng Basud PNP ang hot pursuit operation upang madakip ang suspek at matukoy ang motibo sa likod ng karumal-dumal na krimen.

Nakipag-ugnayan na rin ang Basud PNP sa Catarman Municipal Police Station upang pormal na maipabatid sa pamilya ng biktima ang nangyari at maisagawa ang kinakailangang koordinasyon.

(TOTO NABAJA)

24

Related posts

Leave a Comment