QUEZON – Isang bangkay ng batang bababe ang natapuan sa ilog sa Lucena City noong Lunes ng hapon.
Batay sa report ng Lucena City Police, bandang alas-4:30 ng hapon nang madiskubre sa ilog ng isang residente ang bangkay ng biktimang si Jessica Ducay Almariego, 11-anyos, residente ng katabing Pleasantville Subdivision sa Barangay Ilayang Iyam.
Sa pagsususuri ng pulisya, natuklasang walang suot na pang-ibabang damit at saplot ang biktima.
Posible umanong pagkalunod ang ikinamatay nito ngunit iniimbestigahan pa ng mga awtoridad upang mabatid kung may foul play sa pangyayari.
Isinailalim na sa pagsusuri ang labi at inaalam kung paano ito nalunod at kung bakit wala itong pang-ibabang saplot nang matagpuan. (NILOU DEL CARMEN)
179
