Barangay Ginebra pipigilan ni Coach Norman, Meralco

DALAWANG koponan, Barangay Ginebra ng San Miguel Corp. ni businessman-sportsman Ramon S. Ang at Meralco ng MVP Group ni Manny V. Pangilinan, ang magsasagupa para sa kampeonato ng 46th PBA Governors’ Cup.

Binigo ng Gin Kings ang NLEX Road Warriors, 3-1 sa kanilang best-of-five series para makuha ang unang upuan sa Finals. Tinalo naman ng Bolts ang Magnolia Hotshots, 4-1 sa kanilang bukod na serye para gold medal play.

Ang paghaharap ng Ginebra at Meralco ay laban na naman ng RSA Group vs. MVP Group, na naging kalakaran na ng pinakaunang liga propesyunal sa bansa at Asya, simula noong 2015.

Katunayan, puro kopon­­ang pag-aari ng SMC – San Miguel Beer, Ginebra at Magnolia — ang nagpapalitan sa paghawak ng korona sa iba’t ibang conference sa bawat season. Dalawang beses lamang napatid ang dominasyong ito ng RSA Group, noong 2015 nang namayani ang Rain or Shine Elasto Painters sa Commissioner’s Cup sa ilalim ni coach Yeng Guiao (ngayon ay NLEX mentor) at 2021 Philippine Cup ng nagbalik-PBA coach Chot Reyes.

Ikaapat na paghaharap ito ng Kings ni coach Tim Cone at Bolts ni basketball guru Norman Black. Una silang ­nag-­duelo para sa kampeon­ato noong 2015-2016, 2016-2017 at 2019 seasons kung kailan nagwagi ang Ginebra.

At sa ikaapat na pagkakataon, muling masasaksihan ng fans nang live ang best-of-seven finals match up ng dalawang team. Salitang gaganapin ang serye simula sa Miyerkoles, sa Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena.

Tulad ng mga nauna nilang pagtutuos, hindi lang laban ng mga locals kundi pati ng mga import ang Governors’ Cup. At pagdating sa import, ­liyamado ang Gin Kings dahil sa kanilang import na si Justin Brownlee.

Para kay coach Tim, maihahalintulad si Brownlee sa yumaong PBA import na si Bobby Ray Parks Sr. “You might get him (Parks) one game, you might figure out something different for one game, but if you tried the second game, you’re dead.”

Papuri pa ni Cone sa reinforcement ng ­defending champ Ginebra: “Every time someone does something new, he’ll learn something and he adds it to his game. He continues to evolve.”

Ngunit para kay coach Norman, gusto niya ang tsansa ng Bolts ngayong season. “I like our ­chances this time around. I just hope I can get CB (Chris Banchero) back. If he comes back then I think our chances are pretty good.”

Target din ni coach Norman na matuldukan ang palaging paging ­”second fiddle” kay coach Tim. “I’ve never beaten Tim before, so maybe this would be the right time to get it done. We’ve been meeting a lot lately and he has been on the winning end every time.”

139

Related posts

Leave a Comment