BARANGAY KAGAWAD ARESTADO SA BUY-BUST

ISANG halal na opisyal ng barangay ang naaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang anti-narcotics operation sa Purok 1, Barangay Libuac, Rosario, Agusan del Sur.

Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang 26 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P176,800, kasama ang ginamit na buy-bust money, cellphone, motorsiklo, wallet, ID, at iba pang gamit.

Ayon sa mga awtoridad, ang pagkakasangkot ng isang opisyal sa ilegal na droga ay malinaw na paglabag sa tiwala ng publiko.

Ang suspek na matagal nang mino-monitor bago ang ikinasang buy-bust operation ng PDEA, katuwang ang local police, ay nasa kustodiya na ng PDEA.

Kakasuhan siya sa ilalim ng Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Binigyang-diin ni Regional Director Laurefel Gabales na magpapatuloy ang kampanya laban sa ilegal na droga nang walang kinikilingan upang matiyak ang mas ligtas at drug-free na mga komunidad.

(JESSE RUIZ)

83

Related posts

Leave a Comment