BATAS VS ILLEGAL DRUGS MAHINA

PUNA

PINUNA ni Department of the Interior and Local Government Undersecretary Ricojudge (RJ) Echiverri na mahina ang batas laban sa ilegal na droga.

Ginawa ni Echiverri ang pahayag kamakailan sa national celebration ng Drug Abuse Prevention and Control ng Dangerous Drugs Board.

Sinabi nito na useless ang mga isinasampa nilang kaso laban sa mga mayor at gobernador na hindi tumutulong sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Bakit kaya? Madidismis lang ang mga kasong kanilang isinasampa.

Kasi wala namang batas na magpaparusa sa kanila kung ayaw nilang tumulong sa naturang kampanya.

May tama si Echiverri, ano nga naman ang magiging kaparusahan ng mga mayor at gobernador kung wala namang nilalabag na batas ang mga ungas?

Sa halip na tumulong sila, ayun protektor pa ang kanilang mga naging papel, may pera pa sila.

Aminado si RJ na maganda ang resulta ng kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga kung ikukumpara noong mga nakaraang administrasyon.

Sabi nga niya, noong panahon na Barangay Captain pa siya ng Caloocan City at naging presidente siya ng Association of Barangay Captain, puro lang sila miting na wala namang nangyayari.

Pero ngayon, malaki ang kaibahan dahil talagang epektibo ang kampanya.

Kaya nga lang, ang nakita niya ngayon, may kakulangan pa lalo na pagdating sa batas.

Hindi nila maparusahan ang mga mayor at gobernador na ayaw tumulong sa kampanya.

Sabi pa niya, magiging epektibo sana sila, kung may batas na magpaparusa sa mga mayor at gobernador na ayaw makipagtulungan sa kanila.

Kaya naman nanawagan si RJ kay Sen. Bato dela Rosa na gumawa ng batas na magpaparusa sa mga hindi tutulong sa gobyerno laban sa ilegal na droga.

Kailangan po ang kamay na bakal para labanan ang ilegal na droga dahil ang nasa likod nito ay international syndicates.

oOo

Para suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com//operarioj45@gmail.com (Puna / JOEL O. AMONGO)

239

Related posts

Leave a Comment