BENEPISYO NG CENTENARIANS PINAMAMADALI

UMAPELA si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na madaliin ang pamamahagi ng benepisyo ng centenarians.

Ayon kay Go, dapat bilisan ng DSWD at ng iba pang ahensya ng pamahalaan ang pagpa-facilitate at pagpoproseso ng mga benepisyo para sa mga centenarian at elderly.

“Nanawagan ako sa DSWD na bilisan natin ang pag-facilitate at pag-process ng benefits ng ating mga centenarians and, in general, sa mga elderly. Sila ang isa sa mga most vulnerable sectors ng ating lipunan. Dapat silang alagaan sa panahon ngayon,” sabi ni Go.

“’Yung mga nag-100 years old na, huwag na dapat pahirapan at pag-antayin pa para makakuha ng benepisyong nakasaad naman sa batas tulad ng P100,000 mula sa gobyerno,” dagdag nito.

Ang apela ni Go ay matapos makarating sa opisina nito na isang Aurea Corpuz mula sa Bisocol, Alaminos, Pangasinan ang naghintay ng kanyang cash gift nang halos isang taon matapos ipagdiwang ang kanyang ika-100 kaarawan noong Agosto 25, 2019 bago natanggap ang benepisyo nito. (NOEL ABUEL)

168

Related posts

Leave a Comment