BERBERABE BILANG SOLGEN TINUKURAN SA KAMARA

TINUKURAN ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kay University of the Philippines (UP) Law Dean Darlene Marie Berberabe bilang bagong Solicitor General (SOLGEN).

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, “highly qualified” si Berberabe sa nasabing posisyon na dating hawak ni Menardo Guevarra na kabilang sa mga pinagsumite ng courtesy resignation ni Marcos at kalaunan ay tinanggap.

“Newly appointed Solicitor General Berberabe is stepping in at a critical moment, and I have no doubt she is ready. Her legal expertise, leadership, and integrity make her the right choice to serve as the Republic’s chief legal defender,” ani Romualdez.

Hindi lingid sa lahat na maraming pending case sa Korte Suprema at alam umano ng lider ng Kamara na kayang idepensa ito ni Berberabe.

“This is not a ceremonial post. We need a Solicitor General who can stand firm before the Supreme Court, argue persuasively, and safeguard the legal interests of the State,” ayon pa sa Speaker.

“Dean Berberabe has the intellect, experience, and independence to do just that,”dagdag pa nito.

Si Berberabe aniya na unang nakilala bilang asawa ng basketbolistang si Samboy Lim ay nagsilbing chief executive officer ng Pag-IBIG fund sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Isa rin siya sa mga aplikante sa babakantehing pwesto ni Supreme Court Associate Justice Mario Lopez na nakatakdang magretiro na.

Sinabi naman ni Guevarra na masaya siya para kay Berberabe na inilarawan niya bilang isang top-caliber lawyer na may kahanga-hangang background ng pamamahala.

Para kay Guevarra, magbabalik siya sa kanyang pribadong buhay.

“As for me, maybe it’s time to go back to a quiet and peaceful private life,” aniya.

(BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

64

Related posts

Leave a Comment