BI KASADO NA SA PAGDAGSA NG PASAHERO SA NAIA

KASADO na ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at iba pang airport personnel sa international airports partikular sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Undas o long weekend.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, full force ang deployment ng augmentation team para matiyak na sapat ang kanilang mga tauhan sa lahat ng counters at mabilis ang serbisyo sa mga pasahero.

Asahan naman aniya na aabot sa higit 50,000 ang daily departures na mas mataas kumpara sa nakaraang taon.

Paliwanag ng BI, tumaas ang bilang ng mga biyahero dahil balik-normal na ang mga byahe at marami ring Overseas Filipino Workers (OFWs) ang umuuwi ngayong ber months at lolobo pa aniya ito pagsapit ng Christmas season.

Upang mapabilis ang proseso, nakatutok ang deployment ng personnel sa NAIA at iba pang pangunahing paliparan. Magkakaroon din ng mobile counters at augmentation teams na tutulong sa pila at passenger assistance.

Tiniyak naman ng immigration na manageable ang sitwasyon sa inaasahang mahahabang pila sa airport.

Isa sa mga hakbang para mapabilis ang proseso ay ang pagkabit ng electronic gates (e-gates) na mas mabilis kaysa manual na 45 segundo bawat tao.

Bukod sa paggamit ng etravel registration, nagpaalala rin ang BI sa mga biyahero na dumating ng tatlong oras bago ang flight, agad mag-check in, at dumiretso na sa boarding gate.

(JOCELYN DOMENDEN)

9

Related posts

Leave a Comment