BILANG NG GUN BAN VIOLATORS LUMOBO

DISMAYADO ang Commission on Elections (Comelec) sa pagdami ng mga lumabag sa pagsisimula ng gun ban.

Hatinggabi ng Enero 12, 2025 nagsimula ang gun ban na tatagal hanggang Hunyo ngunit sa kasalukuyan ay mayroon nang 80 ang nahuling violator sa buong bansa.

Kinumpirma naman ng Comelec na may 1,131 personalidad ang pinagkalooban ng pahintulot na makapagdala ng kanilang mga baril sa panahon ng eleksyon.

Ayon sa Comelec – Gun Ban and Security Concerns Committee ang naturang mga indibidwal ay naisyuhan nila ng certificates of exemption sa election gun ban.

Kaugnay ng total gun ban sa bansa ay nagtatag ang Philippine National Police (PNP) ng nasa 1,411 checkpoints nationwide.

Kuntento naman ang Comelec sa performance ng mahigit sa isang libong PNP-AFP-Comelec checkpoint.

“It is unfortunate that many are still being stubborn despite our massive information drive as they continue to carry their firearms outside their residences even though their licenses are suspended,” pahayag ni Comelec Chairman George Garcia.

Sa ikalawang araw ng gun ban ay mahigit 30 katao ang nadakip na may dalang baril kabilang ang isang sundalo, isang government official at tatlong security guards. (JESSE KABEL RUIZ)

94

Related posts

Leave a Comment