BINATILYO PATAY SA MOTORSIKLO

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 15-anyos na binatilyo nang bumangga sa concrete barrier ang minamanehong motorsiklo at lumagapak sa isang aspaltadong bahagi ng kalsada sa Tagaytay City, sa lalawigang ito.

Isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si JayJay, 15, ng Tagaytay City ngunit hindi umabot nang buhay.

Ayon sa ulat ni Corporal Briann Balani ng Tagaytay City Police, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at angkas si Mark Angel Ferrer, 24, habang binabagtas ang Tagaytay Bypass Road, sakop ng Brgy. Maitim 2nd Central ng naturang lungsod, dakong alas-2:30 noong Miyerkoles ng madaling araw, nang bumangga ito sa concrete barrier sa bahagi ng kalsada.

Bunsod nito, tumilapon ang biktima sa aspaltadong kalsada dahilan ng matinding pinsala sa kanyang katawan. (SIGFRED ADSUARA)

205

Related posts

Leave a Comment