BIYUDA TINADTAD NG BALA SA BAHAY

QUEZON – Patay ang isang biyuda matapos na tadtarin ng bala ng hindi kilalang armadong kalalakihan sa loob mismo ng kanyang bahay sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng Candelaria Police ang biktimang si Lorena Genove Estolano, 41, residente ng Barangay Mangilag Norte.

Batay sa report ng Candelaria police, nagtitiklop ng damit sa loob ng kanyang bahay ang biktima nang pasukin ng mga suspek na armado ng .45 kalibreng baril, alas-otso ng gabi.

Pagkaraan ay pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Mabilis na tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril.

Agad namang nagsagawa ng hot-pursuit operation ang mga pulis ngunit hindi naabutan ang mga suspek.

Inaalam pa ang ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

210

Related posts

Leave a Comment