BOC, AISL MAGTUTULUNGAN PARA SA NON-TRADITIONAL REVENUES

GUMAWA ng makabuluhang hakbang ang Bureau of Customs (BOC) at Association of International Shipping Lines (AISL) para sa pagpapaganda ng ‘re­venue collection, streamline customs processes, and secure trade’ ng ahensya.

Ang partnership ay binuo sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) on Data Sharing na nilagdaan noong Hulyo 21, 2023.

Ang nasabing pagtutulungan ay nakalinya sa implementasyon ng Customs Administrative Order No. 08-2019, na ang layunin ay para makabuo ng non-traditional revenues sa pamamagitan ng epektibong pagsubaybay at pamamahala ng overstaying containers.

Para maabot ito, layunin ng BOC na makapagtatag ng isang web-based technology platform, sa pamamagitan ng isang centralized Information and Communications Technology (ICT) system.

Bilang bahagi ng MOA, ang AISL ay magbibigay sa BOC ng access sa kanilang advanced technology platform na kilala bilang Automated Container Movement Monitoring System (ACMMS) and database. Ang ACMMS ay nagbibigay ng ‘real time’ na impormasyon sa mga galaw ng mga container at lahat ng customs ports sa pamamagitan ng isang user-friendly dashboard.

Kasama rito ang mahalagang data tulad ng kabuuang bilang ng ‘containers discharged, loaded, overstaying containers, and container dwell time’.

Bukod dito, isang kapansin-pansing katangian ng ACMMS ang kanilang system-generated alert notification. Ang BOC ay makatatanggap ng mga alerto sa sandaling ang import containers ay paparating sa isang dwell time ng seventy-six (76) calendar days mula sa petsa ng arrival/discharge.

Ito ay proactive notification na pinapayagan ang BOC na gumawa ng kaukulang mga aksyon para maiwasan ang mga pagkaantala o mga paglabag, pagtitiyak na ang import containers ay re-exported sa loob ng required ninety (90) day period.

Si Commissioner Bienvenido Y. Rubio, malakas na tagapagtaguyod ng customs modernization, ay nagpahayag ng kanyang pananabik kaugnay ng potensyal na benepisyo ng MOA.

Naniniwala siya na ang pagyakap sa digitalization ay hindi lamang iaangat ang BOC sa isang world-class customs organization kundi nagpapakita rin sa pangako ng gobyerno para sa kahusayan at transparency.

“The partnership with AISL and the adoption of the Automated Container Movement Monitoring System is a testament to the kind of government we aspire to be responsive, modern, and accountable,” ani Commissioner Rubio.

Sa pag-apruba ng Department of Finance (DOF), ang pinagsamang pagsisikap ng BOC at AISL ay pagmarka ng isang makabuluhang milestone sa kanilang pagtugis sa mga smuggler, at para sa mas mabisang customs system.

Ang implementasyon ng ACMMS ay inaasahan sa pag­hahanay ng container monitoring operation at paggalaw ng pagsubaybay sa lahat ng customs ports. (JO CALIM)

242

Related posts

Leave a Comment