BOC MATINDI ANG PAGBABANTAY; FOREIGN CURRENCIES HIHIGPITAN SA PAGPASOK

ciustoms44

UPANG mabantayan ang galaw ng pananalapi at maprotektahan ang interest ng publiko naghigpit ang Bureau of Customs (BOC) laban sa pagpasok sa malaking halaga ng salapi ng dayuhan (foreign currency) sa bansa.

Masinsinan ang ginagawang pagmomonitor ng BOC sa umano’y bawal na pagpasok ng foreign currencies sa bansa dala ng ilang pasahero sa  iba’t ibang paliparan.

Nabatid sa BOC na may mga grupo ng passengers/couriers na nagdeklara  ng halaga ng foreign curreny  na dala nila at kilala na ang mga ito ng BOC dahil sa kanilang patuloy na pagbabantay.

Ayon pa sa ulat ng nasabing tanggapan, tinutugunan  nila at nakikipagtulungan sila ng sekreto sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), intelligence at law enforcement agencies kasama ng Kongreso.

Sa ilalim ng nananatiling batas, ang halaga ng foreign currencies na mahigit sa $10,000.00 halaga ay pinapayagang dalhin basta deklarado.

Kauugnay nito, ang BOC ay patuloy sa kanilang panata o mandato na bibigyang protection ang border laban sa ilegal na galaw ng bawal na pera o capital.

Layunin nang paghihigpit ng BOC laban sa pagpasok ng foreign currencies sa bansa ay para masawata ang mga ilegal na gawain. JOEL AMONGO

 

178

Related posts

Leave a Comment