BOC MAY 3 BAGONG ABOGADO

ABOGADO

(Ni JOMAR OPERARIO)

May bagong abogado ang  Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM).

Ito’y sa katauhan nina Eleazar B. Rabanes, Angelic A. Diaz, at Mohammad M. Ben-Usman  na pawang empleyado ng ahensya.

Bagama’t sila’y mga em­pleyado na ng ahensya, nagawa pa rin nilang maging mga abogado matapos sila’y suwertehing makapasa sa 1,800 examinees sa katatapos na  2018 Bar Examination.

“Hindi pa masyadong nagsi-sink in,” ganitong inilarawan ni Rabanes matapos niyang makita ang kanyang pangalan sa listahan ng mga nakapasa sa nasabing pagsusulit.

Pangarap ni  Rabanes na maging abogado kaya’t laking pasalamat niya na natupad niya ang kanyang pangarap.

Samantala, si Diaz ay pinakamatanda sa kanilang magkakapatid.

SUMBUNGAN“My mother is a simple housewife and my father is a retired police officer. I want to help my family that’s why I attended law school,” ayon kay Diaz.

Naging empleyado si Diaz sa BOC at ginamit niya umano ang oportunidad para lalo pang maging maayos ang kanyang buhay at makatulong sa ibang tao kaya gusto niyang ma­ging abogado.

“This is my dream since childhood,” ayon naman kay Usman kasabay ng pagsa­sabing ginamit niya umano itong driving force para matupad niya ang kanyang pangarap.

Bagama’t may kanya-kanyang  plano sa buhay ang tatlo bilang ganap nang mga abogado ngunit  iisa lamang umano ang tiyak  at ito ay ang ipagpatuloy ang kanilang mga trabaho bilang public servant.

250

Related posts

Leave a Comment