BOC NAGHIGPIT VS PORK, AGRICULTURAL PRODUCTS

Sa ilalim ng direktiba ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez, ang Bureau of Customs (BOC) ay lalo pang naghigpit sa kanilang pagbabantay laban sa posibleng misdeclaration o misclassification ng importasyon ng pork at pork products para matugunan ang supply ng baboy sa mga pamilihan ng bansa.

Kaya noong Pebrero 9, 2021, ang BOC ay nag-isyu ng isang memorandum order na nag-aatas sa lahat ng ports na magsumite ng daily reports sa mga importasyon ng karne at poultry products para sa review at monitoring ng shipments na may paglabag sa laws, rules and regulations ng ahensiya.

Kasabay nito, ipinatupad din ng Bureau ang mandatory x-ray inspection sa lahat ng reefer containers bago pa ilipat mula sa ports patungo sa Department of Agriculture’s accredited cold storage facilities.

Ang implementasyon ng Electronic ­Tracking of ­Containerized Cargoes (ETRACC) ay pinagana ng BOC para maging epektibo upang mapigilan ang anomang tangkang pamamaraan ng paglihis ng mga walang prinsipyong importers na umiiwas sa ­inspection ng DA officers.

Sa ETRACC ay tinitiyak na ang reefer products ay sumasailalim sa pagsusuri ng DA officers bago pa man ilabas para sa pagkunsumo.

Karagdagan nito, may mga accreditation ng ­importers at customs brokers ang ni-revoke at kinasuhan ng kasong kriminal sa Department of Justice laban sa mga walang prinsipyong stakeholders para sa hinahinalang smuggling ng mga karne at agricultural products.

Nagsagawa rin ng administrative investigation ang BOC laban sa mga opisyal at tauhan na umanoy nasasangkot sa illegal at irregular activities.

Dahil dito, ang Bureau of Customs ay patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Department of Agriculture sa national at regional levels para tiyakin ang border security at protection laban sa walang prinsipyong ­importers ng baboy at agricultural p­roducts.
(Joel O. Amongo)

177

Related posts

Leave a Comment