BOC-NAIA PINARANGALANG “MOST DISTINGUISHED COVID-19 PANDEMIC GOVERNMENT RESPONSE”

Bagama’t naharap sa iba’t ibang pagsubok noong nakaraang taon (2020), ang Bureau of Customs NAIA ay napanatili ang kanilang pagsisikap na magampanan ang kanilang mandato sa border protection, trade facilitation at revenue collection ng bansa

Sa kabila ng panganib na dulot ng ­Covid-19 pandemic, ang BOC-NAIA ay nagtrabaho ng 24/7 at tiniyak ang kaukulang pagtupad ng lahat ng mga pangangailangan ng PPEs, medical supplies, donations at mai-release sa tamang oras.

Dahil dito, kinilala ang BOC-NAIA ni ­Philippine Red Cross Chairman, Senator Richard Gordon, bilang isa sa mga ahensiya ng gobyerno na  “MOST DISTINGUISHED COVID 19 PANDEMIC GOVERNMENT ­RESPONSE”.

Para sa taong 2020, sa pamamagitan ng ibat-ibang online processes, ang BOC-NAIA ay nakapag-ambag ng kabuuang Php 33.7 Billion revenue na nakatulong sa government projects.

Ang BOC NAIA sa tulong ng PDEA at NAIA IATG ay nakasabat ng 43 shipments ng illegal drugs na may tinatayang halagang Php 1.72 billion.

Bukod dito, kabilang sa mga nasabat ng Port of NAIA ay ang mga Php 1.16 million halaga ng illegally imported meat ­products; Php 23.2 million halaga ng misdeclared goods; Php 2.5 million halaga ng medicines na walang kaukulang permits; Php 1.5 million halaga ng gun parts at accessories; Php 11.7 million halaga ng jewelries; Php 29.87 million halaga ng undeclared currency.

Nakasabat din ang BOC-NAIA for 2020 ng kabuuang Php 1.79 billion halaga ng illegal goods.

Ang BOC-NAIA ay nagdagdag din ng kanilang manpower para makatulong sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Tourism (DOT) at iba pang ahensiya ng gobyerno sa mahigit sa 350,000  dumarating Overseas Filipino ­Workers (OFWs) at iba pang pinauwi na dumarating sa NAIA dahil sa outbreak ng  Covid-19.

Ang dalawang (2) Customer Care ­Centers ay binuksan na rin sa BOC NAIA main office at sa Central Mail Exchange Center (CMEC) upang magsilbi bilang One-Stop shop o isang central hub para sa may kaugnay na transaksyon sa Customs at tutulong sa NAIA stakeholders sa kanilang mga katanungan at alalahanin.

Ang pagtatapos ng taong 2020 ay naging isang ‘very challenging year’ para sa Port of NAIA.

Subalit sa patnubay, pamumuno at reporma ni Bureau of Customs Rey Leonardo Guerrero at ang hindi matinag na dedikasyon ng BOC-NAIA officials at buong team, ­naging maganda ang kinalabasan ng ‘revenue performance, border protection and trade facilitation for year 2020’, ayon pa kay District Collector Carmelita M. Talusan. (Joel O. Amongo)

108

Related posts

Leave a Comment