Ang Unioil Terminal Depot sa Mariveles, Bataan, ang pangalawang fuel company na sumailalim sa initial marking activity ng Bureau of Customs (BOC), Department of Finance (DOF), at Bureau of Revenue (BIR) nitong nagdaang Oktubre 22, 2019.
Isinagawa ang official fuel marker ng Fuel Marking Team sa tinatayang 53 million liters ng gasolina na may kabuuang halagang P405,367,424.00 sa pamumuno ni Port of Limay District Collector Michael Angelo DC Vargas kasama ng kinatawan mula sa fuel marking provider SGS-SICPA at Oilink International Corp. Terminal Depot.
Ang marker ay ibinuhos sa storage tanks para itimpla sa petroleum products na mula sa nagdalang barko.
Ang iba pang terminals, ay nakahanda para sa pagmarka ng kanilang paparating na fuel imports kasama ang installation ng satellite offices ng Fuel Marking Provider.
Kasama sa mga terminal ay ang Pure Petroleum sa Subic, Phoenix Petroleum sa Calaca, SL Gas, Petron Limay, Filoil Bataan at Amlan Terminals.
Ang DOF, BOC, BIR, SGS-SICPA, at ang fuel companies ay nagtutulungan para mapabilis ang marking sa lahat ng petroleum products bago pa dalhin sa mga pamilihan.
Sa Pebrero 2020, lahat ng gasoline, diesel, at kerosene ay inaasahang makukumpleto nang mamarkahan.
Samantala, nakatakda namang umaksyon at magpatupad ng multa, pagpapasara at pagkumpiska sa mga produktong petroyo ang BOC laban sa mga kompanyang hindi pa sumailalim sa marking ng kanilang mga produkto. (Jo Calim)
