BOC-Subic nalagpasan ang kanilang Annual Collection Target for 2020

Inihayag ng Bureau of Customs – Port of Subic na katapusan pa lang ng buwan ng Nobyembre ay nalagpasan na nila ang kanilang 2020 Annual Collection Target.

Base sa preliminary data, ang Port ay nakapagkulekta ng kabuuang Php 25,822,750,322.23 revenue sa huling araw ng November 2020.

Ito ay nakapagtala ng 2.09% mas mataas sa kanilang target na Php 25,293,015,679.17 para sa buong taon.

Ang Port ay nakakulekta at naka-recover ng pinagsamasamang halaga na Php 439,002,071.78 sa pamamagitan ng kanilang liquidation at Billing Unit mula Enero hanggang ­Nobyembre 2020.

Kaugnay nito, ang Port ay nakalagpas din sa kanilang collection target para sa buwan ng Nobyembre 2020 ng 5.87% o katumbas ng Php 134,951,619.96 lagpas laban sa month’s target na Php 2,298,066,872.00.

Sinabi ni Collector ­Maritess Martin na sa kabila na naabot nila ang annual target, ang Port ay hindi nag-relax at patuloy ang kanilang pagpapalakas ng kanilang pagsisikap sa koleksyon, pagpapahusay sa border security at proteksyon.

Hindi pa rin sila ­naging kampante sa mga ilang na raw na natitira para sa nasabing buwan hangga’t hindi nila naabot ang naka-assigned sa kanilang collection target na may halagang Php 2,360,478,861.00.

Ayon kay Collector Martin,ang kanilang pagsisikap ay nagbunga ng positibong koleksyon ng Port sa pamamagitan ng pinagsamasamang pagsisikap at kapansin-pansin na gawain ng lahat ng kalalakihan at kababaihan ng Port of Subic.

Kaugnay nito, muling tiniyak ni Collector Martin sa kanilang stakeholders at ang transacting public na ang Port ay patuloy sa pagbibigay ng ‘excellent service, utmost attention and strive to meet their needs’ sa lahat ng oras bilang ang Port’s mantra ay masasabing “Service is the heart of the Port of Subic”. (Boy Anacta)

113

Related posts

Leave a Comment