BOSES NG NAKARARAMI DADAGUNDONG SA 2022 – IMEE

SA harap ng sigurado nang pagpapalawig ng voter registration hanggang katapusan ng Oktubre, tiwala si Senador Imee Marcos na maitatala ang pinakamalaking bilang ng mga botante sa bansa pagsapit ng 2022 elections kahit may pandemya.

Pinuri ni Marcos, chairman ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation, ang mabilis na aksyong ginagawa ng Comelec para maipasa ng Miyerkoles ang isang resolusyon na baguhin ang deadline ng voter registration na nakatakda sana sa susunod na araw.

“Mas maraming botante, mas mananaig ang boses ng nakararami at ng Diyos sa susunod na eleksyon. Kinumpirma na ni Director Elnas (Teopisto Jr.) na tatapusin nila ang resolusyon sa isasagawang en banc meeting ng mga Comelec commissioner bukas,” diin ni Marcos.

Mahigit na sa 61 million na mga bago at mga dati nang botante ang nakapagparehistro, at maaaring malampasan ang 61,843,771 na bumoto noong 2019 national at local elections.

Dahil sa kapos na panahon at logistics, pati na rin sa pandemya, atubili ang Comelec na palawigin ang voter registration ngunit naaprubahan sa Senado nitong Martes ang panukalang batas para dito.

Sa ngayon, patuloy pa rin bago sumikat ang araw ang pagdagsa ng mga umaasang maging botante sa mga satellite center ng Comelec kung saan pawang limitado ang slot ng mga pwedeng magparehistro araw-araw para masiguro ang health at safety health protocols. (ESTONG REYES)

147

Related posts

Leave a Comment